SAAN PATUNGO ANG LANGAYLANGAYAN?
SAAN PATUNGO ANG MGA LANGAYLANGAYAN?
ni B.S. Medina Jr.
(Isang Reaksyon)
Maraming luho ang tao na humahadlang upang siya ay maging maka-Diyos o maalala man lang na siya ay nilikha lamang ng Nag-iisa. Nakakagawa ng mga kasalanang hindi dapat isagawa kung nasunod lang sana ang sagradong utos sa Paraiso. Ano nga naman at bakit hindi ito nasunod? Hindi pa ba sapat ang napakarangyang pamumuhay na ipinagkaloob sa kanila noon at kailangan pang kainin ang prutas ng kasalanan at palaganapin ito?
Marahil sa pagitan ng mga “tik-tak” na iyon nagsimula ang makamundong mga bagay. Sa bagay na hindi naman talaga kailangan sa katawan at pamumuhay ng taong ang nais lang naman ay lumaya. Lumaya kung saan? Sa kanyang sarili mismo, ayon nga sa nagsasalita sa akda. Lumipas man na ang panahon, ang kasalanang nagawa ay nananatili pa rin sa mundo. Sa mga kaapu-apuhan niya-sa lahat kasama na tayo.
Hindi pa huli ang lahat upang lumaya rin tayo. Hindi pa huli upang sundan ang mga langalangayang umiindak sa ere. Hindi pa huli upang talikdan ang mga hadlang na yaon. Maaari pa tayong lumaya sa ating sariling kasakiman at kamunduhan. Paano nga ba? Sa bawat isa sa atin ay may natatagong kasagutan. Sa bawat isa sa atin ay may natatagong kakayahan upang gawin ang nararapat na hakbang upang ang isang simpleng blankong papel ay magkaroon ng saysay. Hindi dapat basta gawing bangkang papel o isang eroplano. Tayo mismo ang lumipad at gamutin ang sarili. Matagal man natin tignan ang sarli sa salamin ay hindi natin maaaninag ang sinag ng kalayaang ating ninanais o ang pagbabagong ating nais makamtan.
Ngayon naisip ko na kung saan tutungo ang isang langaylangayang tulad ko. Ikaw…saan ka na tutungo?

pag ninilay:dahil sa akdang ito nasasabi na ang buhay ay parang isang ibong hindi ala kong saan pa tungo
pinagbasihan :madunongpilipinas.blogspot.com/
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento