Sa Bagong Paraiso
Scene 1:
Sina Ariel at Cleofe ay kapwa walong taong gulang at magkababata. Madalas silang maglaro sa bakuran ng kanilang bahay na malapit sa dalampasigan. Tahimik ang kanilang mundo at mistulang walang suliranin. Ang kanilang mga magulang ay hindi nag-aaway at kapwa relihiyoso.
Pareho silang nag-aaral kasama ng ibang bata. Silang dalawa ay mahilig magpalipas ng oras sa loob ng kanilang bakuran.
Sa may lilim ng puno ng mangga ay naroon sila.. naghahabulan.. nagpapatiran.. at pagdaka’y hihiga sa damuhan dala ng kapaguran.
Cleofe : Makikita ba ang mukha sa langit?
Ariel: Bakit hindi? Ang langit daw sabi ni Itay ay isang malaking salamin.
(Kukuha ng damo si Ariel at kikilitiin si Cleofe sa tenga)
(Tatayong gulat si Cleofe at tatawa si Ariel.. maghahabulan ulit sila.. at muling mapapagod..) Mapapagod na naman sila at muling babagsak sa damuhan, magkatabi at magkadantay ang binti.
Scene 2:
Sa dalampasigan…
Mamumulot sila ng kabibi o kaya’y gagawa ng kastilyong buhangin..
(Mamumulot si Cleofe ng kabibi at si Ariel ay kunwa’y naghuhulma ng isang kastilyong buhangin)
(Lalapit si Ariel at kikilitiin sa tagiliran si Cleofe at maghahabulan na naman sila.. at mapapagod)
Babagsak sila sa buhanginan tulad ng ginagawa nila sa damuhan at sa pagkakatabi ay nagkatinginan sila.
Ariel: May naririnig ka bang tunog mula sa aking dibdib?
(Magtataka si Cleofe at ilalapit ang tainga sa dibdib ni Ariel)
Ariel: Ang bango pala ng buhok mo.
Cleofe: Hindi naman ako nagpapabango. Paglaki ko raw ay tsaka nalang daw
ako magpapabango sabi sakin ng inay.
Ariel: Naririnig mo ba ang tunog sa dibdib ko?
Cleofe: Oo. Ano ang ibig sabihin niyon?
Ariel: Malay ko. Tara na nga! Umalis na tayo.
(Tatayo sila at maglalakad)
Matatanaw nila ang papalubog na araw..
Ariel: Ang ganda, ano? Parang may pintang dugo ang langit..
Cleofe: Oo nga ano? Bakit kaya kulay dugo ang araw kapag palubog na.
Hindi sumagot ang batang lalaki.
Scene 3:
Ipinagmamalaki ang dalawang bata ng kanilang mga magulang at kanayon. Kinaiinggitan sila ng mga batang hindi nagkaroon ng pagkakataong makihalubilo sa kanila.
Iree(usisera): Siguro, paglaki ng mga batang iyan .. sila ang magiging mag-asawa..
Narinig iyon ng magkaibigan at sila’y nagtaka.
Isang araw sa paaralan..
(Magkasama silang naglalakad)
Katrina: Hahaha! Kapit-tuko! Kapit-tuko!
(Iiyak si Cleofe at mapopoot si Ariel)
(Magsu-suntukan sina Katrina at Rajan ngunit sila’y pipigilan ni Teacher Iree)
Ms. Iree: Itigil niyo iyan! Halikayo! Dumapa kayo’t nang kayo’y maparusahan.
(papaluin niya ng tigtatlong palo sa puwit gamit ang patpat)
Pagkaraan ng pangyayaring iyon ay napag-usapan nila ang bansag sa kanila na lalong nagpalunod sa kanilang kawalang malay.
Patuloy pa rin sila sa paglalaro sa damuhan at sa pagtataka kung bakit pula ang silahis ng araw.
Scene 4:
Lumipas ang oras at dumating na ang araw ng pasukan. Hayskul na sina Ariel at Cleofe. Iba na ang kanilang ayos. Ang batang lalaki’y pantay na ang hati ng buhok samantalang ang babae ay lampas na sa tuhod ang damit at hindi na makikita ng lalaki ang alak-alakan nito.
Dito dumaan sa buhay nila ang isang pagbabago, na hindi nila napigil at siyang nagbukas sa kanila upang masaklaw ang tingin ang paraisong kanilang kinaroroonan.
Scene 5:
Isang araw, umuwing tulala si Ariel.
Ariel: Itay, ano po ba ang tule?
(Tatawa ang tatay at tatapikin sa balikat ang anak)
Tatay(Vince): Kailangan mo iyon upang ikaw ay maging isang ganap na lalaki.
Ariel: Talaga po, itay?
Tatay: Oo naman, anak. Isasama kita kay Ba Aryo. Maging matapang ka lang.
Natulala lang siya. Ibig niya iyong ipagtapat sa babae ngunit nahihiya siya. Ngayon lang niya naramdaman iyon. Ang alalahanin na ukol doon ay nakabawas sa sigla ng lalaki.
Ba Aryo(Rajan): Ngumata ka ng dahon ng bayabas.
(Tutulian si Ariel)
Ariel: Araaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay! Ang sakit!
Ba Aryo: Ayan,tapos na! Maligo ka sa ilog! Ang damuho.. pagkalaki-laki parang hindi lalaki.
Ang narinig niyang iyon kay Ba Aryo kasabay ng halakhak ng kaniyang ama ay lalong nagpawala ng kanyang sigla.
Scene 6:
Cleofe: Ariel, sabi ng nanay ko, hindi na raw tayo maaaring magkita dahil hindi na raw tayo mga bata. Hindi na tayo maaaring maghabulan, umakyat sa puno o magpagabi sa dalampasigan. Balang araw, ako’y magiging dalaga at ikaw naman ay binata.
Ariel: Ayaw ka na palang papuntahin dito.. bakit narito ka pa.. gabi na!
Ang pagbabagong iyon ang nagpaunawa sa kanilang tumataas na dingding sa pagitan nila.
Scene 7:
Buwan-buwan, si Cleofe ay may kapirasong damit na itinatago sa ilalim ng kanyang katre at palihim niyang nilalabhan sa silong.
Scene 8:
Pagkalipas ng ilang taon ay nagtapos sila ng hayskul.
anay(Shanenn): Kung gusto mong makatapos ng karera, huwag muna kayong magkita ni Ariel.
Cleofe: Pero, Inay.. kaibigan ko po si Ariel.
Nanay: Kahit na.. kayo’y dalaga’t binata na.. alam mo na ang ibig kong ipahiwatig. Ibig kong mag-doktora ka kaya kalimutan mo muna ang mga lalaki.
Scene 9:
Isang araw.. bumisita si Ariel sa dormitoryo ni Cleofe.
Cleofe: Hindi na tayo maaaring magkita.
Ariel: Bakit naman?
Cleofe: Ibig nila akong mag-doktora.. nais nilang iwasan muna kita..
Umuwing mapanglaw ang mukha ni Ariel.
Ariel: ‘Tay, bakit bawal na kami magkita ni Cleofe?
Tatay: Kapag malapit ka sa babae ay malapit ka rin sa tukso.
Scene 10:
Hindi sila nagkita sa loob ng mahabang panahon. Hindi rin sila nakatiis.
Isang araw ay nagkasalubong sila sa pamimili ng kagamitan.
Ariel: Hi, Cleofe. Kamusta ka na?
(Tumango lang at hindi nakasagot si Cleofe)
Ariel: Ang tagal na nating di nagkikita. Halika, kumain muna tayo sa malapit na restaurant .
Simula noon ay madalas na silang magkita. Pagkalipas ng ilang buwan, sila’y lumigaya.
Scene 11:
May natanggap na sulat si Cleofe na galing sa kanyang ina… ito ang nilalaman..
Dear Cleofe,
Hindi kami makapaniwalang magagawa mo sa amin ito. Hindi na kayo nahiya! May nakakita sa inyo ni Ariel na magkahawak-kamay sa Luneta. Luluwas ang ama mo kapag hindi mo pinigilan ang kabaliwan g iyan.
Ariel: Magkikita tayo.. magtatago tayo.. ililihim natin sa kanila ang lahat..
(MANGYAYARI ANG.. ALAM NIYO NA IYON..)
Scene 12:
Isang araw, kumulog, dumagundong at pumatak ang ulan.
Masama ang pakiramdam ni Cleofe at siya’y dumungaw sa bintana.
(Si Cleofe ay maduduwal sa labas ng bintana.)
Ang dalaga ay napabulalas ng iyak.
pagninilay: ito ay tungkol sa dalawang taong nagmahalan sa hindi tamang pagkakataon .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento