Biyernes, Agosto 31, 2012

pag mamahal "isang lahi"

Lyrics of Isang Lahi – Regine Velasquez
Kung ang tinig mo’y di naririnig
Ano nga ba ang halaga ng buhay
Sa daigdig darating ba ang isa
Ngayon at magbabago ang panahon
Kung bawat pagdaing ay laging
Magulo
Aanhin ko pa dito sa mundo
Ang mga matang nakikita’y di totoo
May ngiting luha ang likuran at paglayang
Tanong ay kailan bakit di natin
Isabog ang pagmamahal
Sundan mo ng tanaw ang buhay
Mundo ay punan ng saya
At gawing makulay
Iisa lang ang ating lahi
Iisa lang ang ating lipi
Bakit di pagmamahal
Ang ialay mo pangunawang
Tunay ang siyang nais ko
Ang pagdamay sa kapwa’y
Nandiyan sa palad mo
Diba’t ang gabi ay mayroong wakas
Pagkatapos ng dilim ay may liwanag
Araw ay agad na sisikat iilawan ang
Ating landas ng magkaisa
Bawat nating pangarap


Listen to Songs: http://videokeman.com/regine-velasquez/isang-lahi-regine-velasquez/#ixzz257mU40R1

sa tabi ng dagat


Sa Tabi ng Dagat

Marahang-marahang
manaog ka, irog, at kata'y lalakad,
maglulunoy katang
payapang-payapa sa tabi ng dagat;
di na kailangang
sapinan pa ang paang binalat-sibuyas,
ang daliring garing
at sakong na wari'y kinuyom ng rosas!

Manunulay kata,
habang maaga pa, sa isang pilapil
na nalalatagan
ng damong may luha ng mga bituin;
patiyad na tayo
ay maghahabulang simbilis ng hangin,
ngunit walang ingay,
hanggang sa sumapit sa tiping buhangin…

Pagdating sa tubig,
mapapaurong kang parang nangingimi,
gaganyakin kita
sa nangaroroong mga lamang-lati;
doon ay may tahong,
talaba't halaang kabigha-bighani,
hindi kaya natin
mapuno ang buslo bago tumanghali?

Pagdadapithapon,
kata'y magbabalik sa pinanggalingan,
sugatan ang paa
at sunog ang balat sa sikat ng araw…
Talagang ganoon:
Sa dagat man, Irog, ng kaligayahan,
lahat, pati puso
ay naaagnas ding marahang-marahan…




Pinagbatayan:tl.answers.com ›

Pagninilay :ito tungkol sa dalawang magkasintahan nagmamahalan ng tutoo






Miyerkules, Agosto 22, 2012

3-1 DEKADA ’70 (Ikaapat na Kabanata) ni Luwalhati Bautista


DEKADA ’70

DEKADA ’70
(Ikaapat na Kabanata)
ni Luwalhati Bautista


Ang kabataan ay mulat sa mga suliraning pampulitika at panlipunan sa bansa ngunit hanggang kailan ang kanilng pakikisangkot.

NAKALUBOG ako sa mga kaabalahang napasukan ko ng Disyembre ‘on kaugnay ng nakatakdang kasal nina Gani’t Evelyn, pag-alis ni Em, at Paskong hindi ko na maantala ang pagdating, Kasabay nito’y nagtatangka akong mag-make up kay Gani sa pamomoroblema niya kay Evelyn at mag-make up kay Evelyn na pamomoroblema niya kay Gani. Baya’n mo na nga muna ang ibang anak ko, wala naman akong aalahanin sa kanila. Liban sa nawiwiling umalis si Jason dala ang kanyang bike, wala akong problema sa trese anyos kong ito. Nagkakaro’n nga ng mga aksidente sa bisekleta pero hindi sa subdibisyon namin. Safe sa subdibisyon namin.

At si Bingo? Ayun, do’n na naman siya nagsasaranggola sa bubong nina Lola Asyang. ‘Yan naman ang masama sa isang ‘to, napakahirap pagsabihan! Kabilin-bilinan kong iwasan ang bubong ng may bubong!..

“Bingo!”

“Andiyan na, Mommy!”

Hinatak ni Bingo pababa ang tali ng saranggola niya. Sinundan ko ng tingin ang sinulid papunta sa kakabit na saranggola: hindi ‘yon makulay na triyangulong papel na idinikit sa kawayan at may buntot pa mandin kundi isang kuwadradong pahina ng tila ata diyaryo lang na itinupi sa magkabilang gilid. Kawawa naman ang anak ko, ta-tsati-tsati lang ang saranggola. Pagpunta ko sa supermart, o dapat siguro, obligahin ko si Jules na igawa siya ng guryon.

Dati namang matiyaga si Jules kay Bingo. Pero lately yata ay lagi siyang may lakad. Pag nasa bahay naman ay nakakulong sa kuwarto. Lagi niyang sinasabi pag sinusundan siya ni Bingo: teka, mamaya na. Marami ‘kong assignment.

Baka naman sumusobra na’ng mga aralin ni Jules, a! Kung ba’t naman kasi sinabi nang h’wag mag-full load…

Gumewang-gewang ang saranggola ni Bingo, nawalan ng panimbang, at bumulusok sa harap ko. Sumabit ‘yon sa bakod ni Lola Asyang. Tinakbo ko ‘yon, sinambilat para pawalan, di sinasadyang nasabayan ng hatak ni Bingo, at napilas ‘yon at naiwan sa kamay ko. Nabilad sa mata ko ang pangmukhang mga salita sa manipis na puting papel, isang inimprentang balita pala ng leaflet na may titulong “Ang Bayan”.

Ang bayan… hindi na ‘ko tanga ngayon. Alam kong official paper ‘yon ng Communist Party of the Philippines. Kinalabutan ako. Kanino ‘to? Sa’n ‘to nakuha ni Bingo?

Nakababa na si Bingo mula sa bubong ni Lola Asyang.

“Tapon mo na, Mom! hiyaw niya. “ Sira na yan” dala ang sinulid na pauwi na siya.

“Bingo!”

Huminto si Bingo. Takbo ko halos palapit.

“San mo nakuha ‘to? Kanino to?”

Nagtaka siya. “Bakit?”

“Basta! Sa’n mo nakuha ‘to?

“Sa ‘tin.”

“Sa’ng lugar sa ‘tin?”

“Sa kuwarto ni Kuya Jules!”

Pero kanina ko pa naman talaga alam, na walang panggagalingan ang babasing ‘to kundi si Jules lang!

Nakaramdam ako ng paglalatang loob, ng matindi pero kauna-unawang pagkagalit ng isang ina.

NGAYO’Y kaharap ko na, eto lang sa ibabaw ng mesang sulatan ni Jules, ang mga karugtong ng papel na hawak ko, Page 2, sabi sa ulunan ng anim na pahinang papel na pinagkabit lang ng staple wire.

Binuklat ko ang mga kasamahan pa ng babasain na nasa mesa ni Jules . Liberation, isa pa ring newsletter. Photocopy ng ilang pahina ng Southeast Asia Chronicle. Kinopyang pahina ng Newsweek. Pawang may laman na titulo pa lang ay halata mo nang tumutuligsa sa batas militar, pumupuna sa ilang personahe ng gobyernong Pilipino, o tumatalakay sa pagkakatatag ng tinatawag nilang National Democratic Movement.

Ano ang ibig sabihin, may mga kopya nito sa pag-iingat ni Jules? “Come on, Amanda”; sabi ko sa sarili. Walang masama diyan, kung sa Newsweek ay t’yak na babasahing nagkalat lang sa downtown. Kung Southeast Asia Chronicle ay paniguradong nakapasok lang dito dahil may permiso ng gobyerno.

Pero, Ang Bayan? Hindi yata ako naniniwalang legal ‘to.

Malay mo, baka naman pinapayagan na rin ‘tong gobyerno para pasinungalingan ang bintang na wala na tayong press freedom.

H’wag kang tanga. Alam mong hindi basta magkaroon niyan si Jules!

Kinakabahan talaga ‘ko. Baka may iba na namang ginagawa si Jules.

Kakausapin ko siya.

Pero makikinig ba naman sa ‘kin yon?

Dapat, ‘yong ama niya’ng kumakausap sa kanya.

Pero hindi mahilig si Julian sa mga usapang pampulitika. Kung engineering pa sana ‘yon!

Kahit na. Basta kailangang kausapin niya si Jules!

Pero sabi ni Julian, “Loko talaga ‘yang anak mong ‘yan, e”

“Yan lang ba’ng sasabihin mo, loko ‘yong anak ko?”

Huminga nang malalim si Julian. “Nagbabasa lang naman ang anak mo, ano’ng masama ro’n? Estudyante ‘yong bata, gustong matuto. Pero so far, nananahimik na’ng mga estudyante, di ba? Wala nang mga rally-rally. Pagsasabihan ko’ng anak mo pag may dapat na ‘kong sabihin!”

“Julian …”

“Amanda, if you don’t mind … I’ve got work to do! Meaning, tapos na’ng usapan namin.

Pero di pa rin ako mapakali. At ipinasiya kong kahit ako, kakausapin ko si Jules.

Pero kailangan, alam ko’ng sasabihin ko sa kanya. Kailangan, matiyak ko muna na subersibo nga ang mga babasahing ‘to.

Kailangan, basahin ko muna ‘to.

“Hindi ang mga miyembro ng oil producing and exporting countries ang nagtatakda ng sobrang pagtaas ng presyo ng langis kundi ang mga oil companies na karamihay pag-aari ng Amerika.

Nangunot ang noo ko. Teka, ano ang subersibo rito?

“Kung ang isang bariles ng langis ay halagang sampung dolyar bago nag-1973, ang isang $1 ay napupunta sa bansang nagluluwas ng langis at samantalang ang $9 ay pinaghahatian ng mga langis at gobyerno ng kanya-kanyang bansa.

Hindi ko na pinag-iisipan kung ganon nga ba ‘yon.

Titulo: “Nalulugi Nga Ba ang mga Kompanya ng Langis?”

“Nangunguna ang Exxon sa mga industrial empires sa Estados Unidos.

“Ang Exxon, Gulf Oil at Mobil ay lagi nang nasa top 10 earners ayon sa Fortune Magazine, simula no’ng 1955.

“Nangunguna ang mga kompanya ng langis sa top 500 companies sa Estados Unidos.

Listahan ng mga tubo ng mga kompanya ng langis na pag-aari ng America, umaabot sa isang bilyong dolyar isang taon?

Ang tala sa ibaba ay ilan lang sa listahan ng mga empresang may dayuhang kapital (mula sa iba pang newsletter);

San Miguel Corp – Major Investors: Soriano, USA

Pepsi-Cola – Pepsi Cola International, USA

Carnation, Phil – Carnation, USA

Kraft Foods, Inc. – Kraft, USA

Purefoods Corp – Hormel International, USA

Ilan lang ‘yon. May kasanod pa ‘yon.

Sila ang tinatawag na mga multinational companies sa Pilipinas.

“Nagpapasok sila rito ng maliit na kapital at nangungutang ng bilyun-bilyong piso sa mga banko sa Pilipinas para makapagtayo ng negosyo rito. Dito rin nila ibenenta ang kanilang produkto pero ang daan-daang milyong piso na tinutubo ng kanilang mga kompanya ay inuuwi nila pagkatapos sa kanilang mga bansa.

Nag-isip ako. Hindi yata tama ‘yon, ano?

Uutangin nila ang pera natin, pagtutubuan sa atin, sa ilalabas ng bansa natin. Maghihirap nga tayo pag ganito nang ganito.

O baka naman ito na ang sinasabi ng mga aktibista na paghahakot ng Amerika sa kabuhayang-bansa ng Pilipinas?

Walang subersibo dito. Bakit magiging subersibo ang katotohanan?

Anu’t anuman, ang ibang artikulo ay kinabasahan ko na ng salitang one-man rule, puppetry, at dictorship. Ng NPA at rebolusyon. Sa ilalim ng batas militar huhulihin ka na niyan.

GABI na’y naro’n pa rin ako sa sala at naghihintay sa pagdating ni Jules, sa lugar na bahagya nang maabot ng ilaw sa komedor na siya kong iniwang bukas. Hindi sa ano pa mang pandramatikong epekto kaya pinatay ko ang ilaw sa sala.

“Nasisilaw lang ako sa pagkakahiga.”

“Ba’t diyan ka nakahiga?” usisa sa ‘kin ni Julian nang madaanan niya ‘ko.

“Hinihintay ko si Jules.”

“Darating din ‘yon”

Nagkibit lang siya ng balikat at pumasok na sa kuwarto.

Narinig ko ang maingat na pagbukas ng pinto kasunod ng klik ng susian.

“Ikaw na ba ‘yan, Jules?

“Hintakot ang sagot. “Bingo, Mom.”

Napabalikwas ako. “Bingo, ano pang ginagawa mo sa labas?”

“Narito na po ako sa loob.”

“Akyat na, sulong! At may dala ka pa manding susi!”

Dali-daling umakyat na nga si Bingo.

Pumalo ang pendulum ng relo. Labing isang ulit. Alas-onse na. Sus, mam’ya lang ay curfew na. Baka naman itong si Jules e hindi na naman uuwi!

Ilang ulit na niyang ginagawa ‘yong hindi pag-uwi. Tatawag na lang siya sa telepono. Mom, aabutan na ko ng curfew. Dito na ‘ko matutulog kina Danny.” O Luis. Minsa’y Tasyo.


Hindi ko nga pala naitatanong kung sinu-sino ang mga ‘yon. Bigla’y naisip ko kasunod nito: Oo nga pala, ba’t ni Minsa’y wala siyang sinasabi na do’n naman siya matutulog kina Willy? ‘Yon ang dating best friend niya, a! Nagkadip’rensiyahan kaya sila ni Willy?

Klik ang susian. Bumukas naman ang pinto.

“Jules?”

Sagot: “Mom?”

Nakahinga ‘ko nang maluwag. “Ginagabi ka.”

Wala nang sagot. Ni hindi niya binuksan ang ilaw. Nagtaka ‘ko na hindi man lang siya nagbukas ng ilaw. Dumeretso siya sa silid. Nakapasok na siya sa silid bago man lamang ako nakapagtanong kung kumain na siya.

Nagtaka si Jules. Hindi man, hindi ko naman uumpisahan agad ang pagkausap sa kanya. Itatanong ko lang kung kumain na siya. Ipaghahain ko siya, uupo ako sa harap niya habang kumakain siya. Kakausapin ko muna siya tungkol sa ibang mga bagay.

Kinatok ko ang pinto niyang nakalapat na agad. Pinihit ko pabukas ang seradura.

“Jules?”

Nakaupo siya sa gilid ng kama at nakayupyop ang mukha sa palad. Malungkot ang anyo ng nakalaylay na balikat niya. Nalulon sa tabi niya ang isang tabloid.

Napapagod siya, pasiya ko. Pasiya ko baka wala siya sa mood na makipag-usap. Saglit na nag-alaala ‘ko na baka wala ako sa timing.

Inabot ko ang tabloid. Binuksan. Hindi ito diyaryong Maynila, a Local paper ‘yon ng isang malayong komunidad.

Headline: NPA, NAPATAY SA ENGKUWENTRO

Binalingan ko si Jules. “Napapa’no ka? Masakit ba’ng ulo mo?”

Humikbi siya bilang sagot.

Binitiwan ko nang tuluyan ang tabloid. Hinarap ko na siyang tuluyan. “Jules?”

Nag-angat na siya ng mukha. Makirot at luhaan ang batang mukha ng aking si Jules!


“Bakit?” alalang-alala usisa ko.” Ang’ng nangyari sa ‘yo?”

Umiling siya at nagtangkang makailag. Kinagat niya ng mariin ang labi para pigilan ang isa pang hikbi. Pero hindi na nakapagsinungaling ang latay ng hapdi sa mata niya. Kumibot ang labi niya, Naginginig, at sa katal na boses, sinabi niya ang totoo.

“P-pinatay nila si Willy, Mom! Patay na si Willy!” sabay sabog ng iyak. Pahagulgol. Nakalulunos. Parang bata.

Niyakap ko si Jules. Hindi ko alam kung sinong ang tinutukoy niya, ang naiintindihan ko lang ay patay na si Willy … Si Willy na biglang naalala ko kanina lang… na kaibigan niya, matalik at minsa’y mas kapatid pa kung ituring kaysa kay Gani… pinatay!



Pinagbatayan:http://aileendcasas.blogspot.com

Pagninilay:

Huwebes, Agosto 16, 2012

para sa buwan ng wika 3-1

Lyrics of Masdan Ang Kapaligiran – Asin

Masdan Ang Kapaligiran – Asin

INTRO

Wala ka bang napapansin
Sa iyong mga kapaligiran
Kay dumi na ng hangin
Pati na ang mga ilog natin

REFRAIN 1
Hindi nga masama ang pag-unlad
At malayu-layo na rin ang ating narating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
Dati’y kulay asul, ngayo’y naging itim
Ang mga duming ating ikinalat sa hangin
Sa langit, ‘wag na nating paabutin
Upang kung tayo’y pumanaw man
Sariwang hangin, sa langit natin matitikman

REFRAIN 2
Mayro’n lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan

AD LIB

Ang mga batang ngayon lang isinilang
May hangin pa kayang matitikman
May mga puno pa kaya silang aakyatin
May mga ilog pa kayang lalanguyan

REFRAIN 3
Bakit ‘di natin pag-isipan
Ang nangyayari sa ating kapaligaran
Hindi nga masama ang pag-unlad
Kung hindi nakakasira ng kalikasan
Darating ang panahon, mga ibong gala
Ay wala nang madadapuan
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ngayon’y namamatay dahil sa ating kalokohan

REFRAIN 4
Lahat ng bagay na narito sa lupa
Biyayang galing sa Diyos kahit no’ng ika’y wala pa
Ingatan natin at ‘wag nang sirain pa
‘Pagkat ‘pag Kanyang binawi, tayo’y mawawala na

[Repeat REFRAIN 2]


Listen to Songs: http://videokeman.com/asin/masdan-ang-kapaligiran-asin/#ixzz23kVlIOww

Miyerkules, Agosto 15, 2012

2 kahapon,ngayon at bukas 3-1

KAHAPON, NGAYON, AT BUKAS

Sa bawat 'sanlinggo'y may dalawang araw
Na di natin dapat pagkaabalahan
Dal'wang araw itong dapat na hayaang
Ligtas sa pangamba at takot kaylanman.


Ang isa sa mga araw na nabanggit
Ay yaong KAHAPON, kasama't kalakip
Ang lahat ng kanyang kamaliang hatid,
Ang pagkabalisa, kapintasan, sakit...


Mga kabaliwan at kirot na taglay.
Ang kahapong iyan ay minsang lumisan
At kanyang paglisan ay magpakaylanman
Higit pa sa ating kayang mapigilan.


Lahat mang salapi sa buong daigdig
Sa kahapo'y hindi makapagbabalik
Ang isang nagawang ano man ang liit
Ay hinding-hindi na kaya pang ituwid.


Saka hindi na rin kaya pang burahin
Ang isang salitang nasambit na natin
Pagkat ang kahapon, katulad ng hangin,
Ay naglaho na nga sa ating paningin.


Ang isa pang araw na hindi rin dapat
Pakaisipin pa nang lubha'y ang bukas,
Ang mga kaaway nito at pabigat,
Dakilang pangako't pangit na pagganap.


Iyang bukas mandin ay di natin hawak:
Ang araw ng bukas ay muling sisikat
Maaaring yao'y may ningning at kislap
O kaya'y magkubli sa likod ng ulap.


Ngunit batid nating iyon nga'y sisikat
At hanggang tuluyan na itong maganap
Wala pa rin tayong gantimpalang tiyak
Pagkat ito'y di pa naipapanganak.


Isang araw na lang ang nalabi ngayon
Ang kahit na sino'y may pagkakataong
Ang pakikidigma ay maipagtanggol
Sa loob ng isang araw lamang ukol.


Kaya lamang tayo nanganlulupaypay
Ay kung ang pasanin ng dalawang araw --
Ang kahapo't bukas ay pinagsasabay
At pinagsasama nang walang dahilan.


Di ang karanasan ng ngayon ang sanhi
Nitong pagkabaliw ng tao, kung hindi
Iyang pagsisising taos at matindi
At ang nadaramang mapait, mahapdi...


Hinggil sa kung anong bagay na naganap 
Doon sa kahapong wala na't lumipas,
At ang pagkatakot na bumabagabag
Sa isasalubong niyang bagong bukas.


Kaya tayo sana'y matutong mamuhay
Sa isang panahon nang isang araw lang.





Pinagbatayan:tl.answers.com › Wiki Answers ›

ikalawang markahan 3-1 kahapon,ngayon at bukas

Sabado, Agosto 11, 2012

Ang Guryon 3-1 Ikalawang Markahan



"Ang Guryon"
ni Ildefonso Santos

Tanggapin mo, anak, itong munting guryon
na yari sa patpat at papel de Hapon;
magandang laruang pula, puti, asul,
na may pangalan mong sa gitna naroon.
Ang hiling ko lamang, bago paliparin
ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
ang solo't paulo'y sukating magaling
nang hindi mag-ikit o kaya'y magkiling.
Saka pag sumimoy ang hangin , ilabas
at sa papawiri'y bayaang lumipad;
datapwa't ang pisi'y tibayan mo, anak,
at baka lagutin ng hanging malakas.
Ibigin mo't hindi, balang araw ikaw
ay mapapabuyong makipagdagitan;
makipaglaban ka, subali't tandaan
na ang nagwawagi'y ang pusong marangal.
At kung ang guryon mo'y sakaling madaig,
matangay ng iba o kaya'y mapatid;
kung saka-sakaling di na mapabalik,
maawaing kamay nawa ang magkamit!
Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
dagiti't dumagit, saanman sumuot...
O, paliparin mo't ihalik sa Diyos,
bago pa tuluyang sa lupa'y sumubsob!








Pinagbatayan:markjan-markjan.blogspot.com





Pgninilay:Ang buhay parang guryon minsan kaya mong tumaas nang mas mataas pa sa iba at minsan maari
                          kanaman nitong ibagsak ng mabilis  din sa iba. 
              -Para sakin ang guyon ay parang buhay kayang magmataas at hindi na pinapansin ang nasa baba.
                           kaya kong ako man ay magiging guryon ang gusto ay lagi kang akong nasa baba kasing 
                           baba ng aking pag katao.